Anu Ano Ang Nailistang Mga Maling Kasanayan Sa Paggawa

Anu ano ang nailistang mga maling kasanayan sa paggawa

Maraming mga pamantayan sa Paggawa ang dapat unti-unting linangin upang maging matagumpay ang isang organisasyon. Hindi natatapos ang pag-abot dito, kudni patuluyan. Hadlang dito ang mga maling kasanayan sa Paggawa gaya ng:

1. Overproduction. Ang paggawa ng sobra sa plano, o sa inaasahan ay magbibigay lamang ng gastos sa paggawa at pagtatago.

2. Paghihintay. Sa mga panahon ang mga serbisyo o produkto ay hidi nagagalaw  o hindi natatapos, mayroong pagtatapon dahil sa paghihintay. Procrastination o Pagpapaliban-liban ng gawain. Hindi ito nagbibigay ng kapahingahan dahil dala-dala mo pa din ang kaisipang mayroon ka pang gagawain. At stress iyon!

3. Hindi mahusay na transportasyon. Ang matagal, paulit-ulit o pabalik-balik na paggalaw ng proseso, serbisyo o produkto ay gastos.

4. Mali o hindi angkop na proseso sa paggawa- dulot nito ay maling resulta o hindi kalidad.

5. Hindi kinakailangang imbentaryo- ang kulang o sobrang imbentaryo ay nagpapakta ng hindi makabuluhang oras, pasilidad at pera.

6. Hindi angkop na mga pagkilos- ang lahat ng mga paulit-ulit na mga proseso ay pag-aaksya.

7. Pagkakaroon ng mga depekto- ito ay kasiraan sa budget, oras at sa reputasyon.

Tinatawag itong pag-aaksaya sa paggawa. Ang lahat ng ito ay nagtutungo sa gastos at kawalang kabuluhan.


Comments

Popular posts from this blog

Kabanata 1 Mensahe Noli Me Tangere

What Two Secrets About The Labyrinth Had Daedalus Kept From King Minos? And How Did Of These Secrets Help Them To Escape?