Mula Ito Sa Salitang Latin Na Habere Na Nangangahulugang To Have O Magkaroon O Magtaglay
Mula ito sa salitang latin na habere na nangangahulugang to have o magkaroon o magtaglay
Habit o Gawi:
Ang habit o gawi ay mula sa salitang Latin na habere na nangangahulugang to have o magkaroon o magtaglay.
Ang habit o gawi ay bunga ng paulit - ulit na pagsasakilos o pagsasagawa ng isang kilos. Ito ay nakakamit kapag sinasamahan ng pagsisikap. Sapagkat ito ay dumadaan sa isang mahabang proseso at pagsisikap ng tao, hindi ito nawawala sa isang iglap lamang. Ito ay nagiging isang pangmatagalang katangian na nagtutulak sa tao na kumilos ng hindi lamang puno ng kasanayan kundi ng may kawilihan at kasiyahan. Ito ang unang hakbang sa paglinang ng birtud. Ayon kay Aristotle, kailangang gumawa ang tao ng makatarungang kilos dahil sa pamamagitan nito magiging makatarungan ang tao.
Mahalagang malinang ang mabuting gawi upang masanay ang tao sa paggawa ng mabuting kilos. Subalit ang birtud ay hindi simpleng nakasanayang kilos sapagkat ang kondisyong ito ay lumalabas na hindi pinag - iisipan, nangyari na lamang ang kilos dahil sanay na ang tao na ito ang ginagawa. Ang paulit - ulit na pagsasagawa ng kilos ay tulong upang malinang ang birtud subalit ang birtud ay nangangailangan ng pagpili, pag - unawa, at kaalaman.
Keywords: habit, gawi
Ano ang Habit o Gawi: brainly.ph/question/1054132
#LetsStudy
Comments
Post a Comment