Bakit Sinasabi Na Nakaukit Na Sa Kultura Ng Mga Pilipino Ang Bolunterismo?

Bakit sinasabi na nakaukit na sa kultura ng mga pilipino ang bolunterismo?

 Ang Bolunterismo ay isang paraan ng paglilingkod at pagmamahal sa ating kapwa at sa lipunan. Tatak ito ng pagiging Pinoy lalo na kapag nasa matinding pagsubok ang ating mga kababayan. Kaya naman marami ang nagsasabi na nakaukit na sa kultura ng mga Pilipino ang bolunterismo. Bakit natin ito nasabi?

 Pagmamahal sa kapwa ang pangunahing dahilan. Siyempre pa hindi tayo nagboboluntaryo para makakuha ng di tapat na pakinabang. Bukal sa loob ang pagpapakita ng ganitong katangian. Dahil ang Pilipinas ay madalas na daanan ng bagyo, marami sa ating mga kababayan ang nawawalan ng bahay, mga ari-arian, walang makain at iba pang pangangailangan. Hindi bat nakakahabag na makita sila sa gayong kalagayan? Kaya naman may mga tao na nagboboluntaryo sa pagtatayo ng bahay ng mga nasalanta at nagbibigay din ng mga pagkain at ibang pangangailangan. Ginagawa ito ng walang bayad.

 May mga grupo din na nagtutulong-tulong upang makakuha ng mga donasyon mula din sa mga mapagbigay na mga tao. Kadalasan na tumatawag sa grupong ito ang gustong magbigay ng tulong sa pinansyal. Malaking trabaho ito at mahirap din. Pero balewala ang pagod dahil ang kanilang pagboboluntaryo ay nauudyukan ng pag-ibig.

 Mula noon hanggang ngayon hindi mawawala ang bayanihan sa mga Pilipino. Kaya kahit na makaranas ng mga unos sa buhay , lagi paring may pag-asa dahil may mga kapwa tao na handang tumulong at magboluntaryo.


Comments

Popular posts from this blog

Kabanata 1 Mensahe Noli Me Tangere

What Two Secrets About The Labyrinth Had Daedalus Kept From King Minos? And How Did Of These Secrets Help Them To Escape?