Kanser Ng Lipunan At Pagpapahalagang Pilipino Sa Noli Me Tangere Kabanata 62, 63, At 64

Kanser ng Lipunan at Pagpapahalagang Pilipino sa Noli Me Tangere Kabanata 62, 63, at 64

Noli Me Tangere

Kabanata 62: Ang Pagtatapat ni Padre Damaso

Kanser ng Lipunan:

Sa kabanatang ito makikita ang patuloy na panghihimasok ng magulang sa anak sa kabilang ng katotohanan na ang anak ay nasa hustong gulang na at makagagawa na ng desisyon para sa kanilang sarili.

Pagpapahalagang Pilipino:

Ang pagpapahalagang masasalamin sa kabanatang ito ay ang pagpapahalaga sa anak bilang bahagi ng pamilya. Ang pagpapahalagang ito ay isang uri ng pagpapahalagang panlipunan.

Kabanata 63: Ang Noche Buena

Kanser ng Lipunan:

Sa kabanatang ito makikita ang pagkakaiba ng mahirap at mayaman lalo na sa araw ng pasko. Litaw na litaw ang pangingibabaw ng mga makapangyarihan lalo na sa mga bagay na ginagawa nila sa mga aba na tulad ni Sisa. Napakasakit para kay Basilio na makita na ang ina ay tila wala na sa katinuan.

Pagpapahalagang Pilipino:

Ang pagpapahalagang masasalamin sa kabanatang ito ay ang pagpapahalaga sa pamilya. Mahalaga para kay Basilio na makita ang ina at ang makilala siya nito. Naging magaan para sa kanya ang paglisan ng ina ng makilala siya nito bago tuluyang malagutan ng hininga.

Kabanata 64: Katapusan

Kanser ng Lipunan:

Sa kabanatang ito makikita ang kinahinatnan ng bawat tauhan na nabanggit sa nobela. Masasalamin na ang paggawa ng mabuti ay nagdudulot ng kabutihan samantalang ang mga gawang mali ay nagbubunga din labis na kasamaan.

Pagpapahalagang Pilipino:

Ang sinapit ng mga tauhan sa pangwakas na kabanatang ito ay sumasalamin sa ibat ibang pagpapahalagang pilipino na tulad ng espiritwal, pampulitika, pangkabuhayan, at panlipunan. Ang kinahinatnan ni Maria Clara sa kumbento ay pagpapakita ng pagpapahalagang espiritwal. Bukal man sa loob niya na pumasok ng kumbento ay naging masalimuot ang buhay niya habang narito. Samantalang ang kanyang dalawang ama na kapwa nagpadala sa kapangyarihan ay kapwa nasawi. Sila ay nagpamalas ng pagpapahalaga sa kalagayang pampulitika at panlipunan ngunit hindi naging masaya hanggang sa kanilang kamatayan.

Read more on

brainly.ph/question/2131517

brainly.ph/question/2127723

brainly.ph/question/1394395


Comments

Popular posts from this blog

Kabanata 1 Mensahe Noli Me Tangere

What Two Secrets About The Labyrinth Had Daedalus Kept From King Minos? And How Did Of These Secrets Help Them To Escape?